Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Ang Mangaaliw ni Jesus
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
Si
Jesus ba'y nabuhay at namatay ng hindi nagkakasala?
Inilahad ni Maestro Evangelista noong ika-30 ng Disyembre 2005.
Ito ang isa sa maraming ipinangangaral ng mga relihiyon hinggil kay Jesus; na
siya ay nabuhay at namatay sa mundong ito na hindi nakagawa ng kasalanan o
kasamaan?
Totoo
ba na ang isang tao na ipinanganak ng isang babae ay makapagsasabi na wala
siyang kasalanan?
Paano ngang makapagiging ganap ang tao sa Dios? O paanong magiging malinis siya
na ipinanganak ng isang babae.
Narito, pati ng buwan ay walang liwanag, at ang mga bituin ay hindi dalisay sa
kaniyang paningin: Gaano pa nga kaliit ang tao, na isang uod! At ang anak ng tao, na isang uod!
Job 25:4-6 (TAB)
Ipinanganak tayo na may kakayahang gumawa ng kasalanan o hindi, kaya
hindi maaring
sabihin ng sinoman na hindi siya nakagawa ng kasalanan sa kanyang tanang buhay.
Umamin
ba si Jesus na siya ay nagkasala rin at “isang uod” gaya ng ibang tao?
Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan? Bakit ka napaka layo sa pagtulong sa
akin, at sa mga salita ng aking pagangal?
Oh Dios ko, ako'y humihiyaw sa araw, nguni't hindi ka sumasagot: at sa gabi, at
hindi ako tahimik. Nguni't ikaw ay banal, Oh ikaw na tumatahan sa mga pagpuri ng Israel.
Ang aming mga magulang ay nagsitiwala sa iyo: sila'y nagsitiwala, at iyong
iniligtas sila. Sila'y nagsidaing sa iyo at nangaligtas: sila'y nagsitiwala sa iyo, at hindi
nangapahiya. Nguni't ako'y uod at hindi tao; duwahagi sa mga tao, at hinamak ng bayan.
Silang lahat na nangakakita sa akin ay tinatawanang mainam ako: inilalawit nila
ang labi, iginagalaw nila ang ulo, na sinasabi, Awit 22:1-7 (TAB)
Si Jesus nga ba ito?
Ang aking kalakasan ay natuyo na parang bibinga; at ang aking dila ay dumidikit
sa aking ngalangala; at dinala mo ako sa alabok ng kamatayan. niligid ako ng mga aso: kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama;
binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa. Awit 22:15-16 (TAB)
Si Jesus ngang tunay!
Aking maisasaysay ang lahat ng aking mga buto; kanilang minamasdan, at
pinapansin ako: Hinapak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila, at kanilang pinagsapalaran
ang aking kasuutan. Awit 22:17-18 (TAB)
Nguni’t mananatili na lang ba tayo sa kasalanan? Papaano tayo makakahingi ng
kapatawaran sa Dios?
Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin
dahil sa mga magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling
kasalanan. Deuteronomio 24:16 (TAB)
Kung sino ang nagkasala ay siya rin ang magbabayad niyon, hindi ang kanyang
magulang o kahit na sino pa man ang mananagot at magdudusa para sa kanyang kasalanan.
At
tunay ba na walang tao na hindi nakagawa ng kasalanan?
Kung ang iyong bayan ay lumabas sa pakikipagbaka laban sa kaniyang mga kaaway,
saan mo man sila suguin, at manalangin sa Panginoon sa dako ng bayan na iyong
pinili, at sa dako ng bahay na aking itinayo na ukol sa iyong pangalan: Dinggin mo nga sa langit ang kanilang dalangin at ang kanilang pamanhik, at
alalayan mo ang kanilang usap. I Mga Hari 8:44-45 (TAB)
Ito ay sumasaklaw sa mga taong kilala o nakakaalam ng Tunay ng Pangalan ng Dios.
Kung sila'y magkasala laban sa iyo, (sapagka't walang tao na di nagkakasala,) at
ikaw ay magalit sa kanila, at ibigay mo sila sa kaaway, na anopa't sila'y
dalhing bihag sa lupain ng kaaway sa malayo o sa malapit; I Mga Hari 8:46 (TAB)
Walang sinoman ang makakapagsabi na siya ay hindi nagkasala! Ang
aral ng mga relihiyon na si Jesus ay hindi nagkasala ay walang katotohanan.
At
kung tayo ay magkakasala, paparusahan ba agad tayo ng Dios?
Anong ibig ninyong sabihin na inyong sinasambit ang kawikaang ito tungkol sa
lupain ng Israel, na sinasabi, Kinain ng mga magulang ang mga maasim na ubas, at
ang mga ngipin ng mga anak ay nagsisipangilo?
Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi na ninyo sasambitin pa ang kawikaang
ito sa Israel.
Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang
kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay. Ezekiel 18:2-4 (TAB)
Ito ay ipinabatid noon sa bayan ng Dios, hindi sa mga tao sa buong mundo.
Walang “original sin” sa kapanahunan ni Moses hanggang sa mga propeta; sinabi na ng
Dios na walang katotohanan sa pag-iisip ng “original sin.” Bakit magpasahanggang
ngayon, ang mga
relihiyon ay naniniwala sa “original sin?” Dahil hindi
sila ang mga lingkod ng Dios!
Nagkakasala ang bawa’t isa sa Dios.
Gaano
katotoo na ang bawa’t tao ay mananagot sa Dios sa kanya-kanyang kasalanan?
Ang kaluluwa na nagkakasala, mamamatay: ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan
ng ama, o magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak; ang katuwiran ng matuwid
ay sasa kaniya, at ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya. Ezekiel 18:20 (TAB)
Walang sinoman ang maaring mamagitan o magligtas ng kapwa sa kasalanan, hindi
pinahihintulutan iyon ng Dios. Ang Dios lang ang may kapangyarihang magpatawad.
Ano
ang dapat nating gawin?
Nguni't kung ang masama ay humiwalay sa kaniyang lahat na kasalanan na kaniyang
nagawa, at ingatan ang lahat na aking mga palatuntunan, at gumawa ng tapat at
matuwid, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay. Ezekiel 18:21 (TAB)
Ang kasalanan na inihalimbawa ay pinabigat pa upang ating maunawaan na kahit ang
pinakamabigat na kasalanan ay maaring ipapatawad ng Dios.
Ang
kailangan lang natin ay ang pagsisisi at pagbabago sa ating mga gawain, at hindi
magtatagal papatawarin tayo ng Dios sa atin mga kasalanan, kung hindi na natin
gagawin pang muli ang mga iyon.
Sinasabi ng mga relihiyon na ang ating mga kasalanan ay nakasulat sa langit,
totoo ba iyon?
Wala sa kaniyang mga pagsalangsang na nagawa niya na aalalahanin laban sa
kaniya: sa kaniyang katuwiran na kaniyang ginawa ay mabubuhay siya. Ezekiel 18:22 (TAB)
Kapag tayo ay magsisisi, baguhin ang ating mga lakad, at manumbalik sa Dios,
tayo ay patatawarin Niya at hindi na alalahanin ang nagawang pagkakasala.
Papaano naman ang mga masasama, nais rin ba ng Dios na sila ay mamatay?
Mayroon baga akong anomang kasayahan sa kamatayan ng masama? sabi ng Panginoong
Dios: at hindi baga mabuti na siya'y humiwalay sa kaniyang lakad, at mabuhay?
Ezekiel 18:23 (TAB)
Hindi nasisiyahan ang Dios sa kamatayan ng masasama… magsisi at magbago ng gawain.
Manumbalik sa Dios at sumunod sa Kanyang mga kautusan. Ito ang panawagan ng Dios
sa lahat ng tao, sa pamamagitan ng mga paglalahad ni Maestro Evangelista ituturo
niya ang paraan ung papaan tayo makaatawag sa Pangalan ng Dios upang mapatawad
tayo.
Ano
naman sa mga iba, gaya ni Jesus, na naging sakdal noon nguni’t gumawa ng
kasamaan; ano ang magiging hatol ng Dios?
Pagka ang matuwid ay humihiwalay sa kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan,
at kinamamatayan; sa kasamaan na kaniyang nagawa ay mamamatay siya. Ezekiel 18:26 (TAB)
Habang tayo ay nabubuhay, may pagkakataon tayong humingi ng kapatawaran sa Dios.
Gaya
ni Jesus, gumawa ng kasamaan; na habang nakapako sa krus ay sumigaw,
“Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?” Siya ba’y humihingi ng tawad sa
kanyang kasalanan o sinisisi ang Dios? Siya ay pinabayaan sa huli, hindi siya
humingi ng kapatawaran sa Dios.
Ano
ang isinasamo mula sa Dios?
Sapagka't wala akong kasayahan sa kamatayan niya na namamatay, sabi ng
Panginoong Dios: kaya't magsipagbalik-loob kayo, at kayo'y mangabuhay. Ezekiel 18:32 (TAB)
Inaanyayahan ng Dios ang lahat na kilalanin Siya at ang Kanyang Dakilang
Pangalan; kailangan lang na magsisi tayo at magbago ng ating mga gawain,
mabubuhay tayong malawig at ganap sa ating buhay.
Gayon ma'y sinabi mo: Ako'y walang sala; tunay na ang kaniyang galit ay
humiwalay sa akin. Narito, hahatulan kita, sapagka't iyong sinabi, Hindi ako
nagkasala. Jeremias 2:35 (TAB)
Habang itinatanggi mo ang iyong kasalanan, hahatulan ka ng mabigat ng Dios.
Humingi ng pagpapatawad sa Dios lamang, magsisi at manumbalik sa
Kaniya!
Bumalik sa Itaas.
Magpatuloy sa:
“At nagkatawang-tao ang Verbo” – Si Jesus ba ito?
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Wednesday May 28, 2014
|